Upang mas lalong mapabuti ang impementasyon ng Ease of Doing Business (EODB) sa bansa, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Rehiyon 3 , sa pakikipagtulungan ng Bureau of Local Government Finance Rehiyon 3, ay nagsagawa ng Online Training for LGUs on Rationalization of Fees and Charge, and Updating of the Local Revenue mula Agosto 24-25, 2021.
Ang pangunahing layunin ng aktibidad na ito ay para bigyang kaalaman ang mga lokal na opisyal at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan sa rehiyon tungkol sa mga patnubay at proseso na kalakip sa pag-update ng Local Revenue Code at sa Rationalization of Local Fees and Charges sa pamamagitan ng isang toolkit.
Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang diin ni LGOO VII Ener P. Cambronero, Punong Tagpagpatupad ng Dibisyon ng Pagpapaunlad ng Kakayahan, ang importansya ng nasabing aktibidad para sa nalalapit na implementatsyon ng Transition to Full Devolution.
Sa pangunguna ni RD Divina Corpuz, Regional Director ng Bureau of Local Government Finance Region III, tinalakay ang DOF and DILG Joint Memorandum Circular No. 2019-01: "Guidelines for the Review, Adjustment, Setting and/or Adoption of Reasonable Regulatory Fees and Charges of Local Government Units" at ang "Overview of the LFC Toolkit Process Mandate to Review LRC".
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga City/ Municipal Treasurers, Budget Officers, BPLOs, OBO o City/ Municipal Engineerss, Zoning Officers, Legal Officers, Sanggunian Members at C/MLGOOs ng mga piling Bayan sa Rehiyon 3.