Zambales PPOC, PADAC, PTF ELCAC, muling nagtipon upang paigtingin ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng pandemya
- Details
- Written by LGOO II Paulin Johanne Reyes
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 3237

Sa pangunguna ni Gobernador Hermogenes E. Ebdane, Jr., pinuno ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ng lalawigan ng Zambales, katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG)-Zambales na pinamumunuan ni Direktor Armi V. Bactad, matagumpay na naidaos ang pagpupulong ng tatlong (3) konseho para sa ikatlong kwarter ng taon, noong Setyembre 16, 2021 gamit ang zoom application upang talakayin ang sitwasyon at mga hakbangin para sa peace and order and safety ng lalawigan.