Transparency_Seal.jpg

PAG-ASA Weather Update

 <DOST_PAGASA_WEATHER.png

 

Pinulong ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr. ang mga lokal na opisyal ng probinsya kabilang na ang gobernador ng lalawigan at mga alkalde nito noong ika-7 ng Agosto 2023 upang alamin ang sitwasyon sa Pampanga matapos ang pananalasa ng magkasunod na bagyong Egay at Falcon sa Central Luzon.

Sa pamumuno ng Gobernador ng Lalawigan ng Zambales, Kgg. Hermogenes E. Ebdane, Jr., katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, ang mga aktibong miyembro ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (Ang PTF-ELCAC), at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), kasama ang mga Punong Bayan ng lalawigan, ay nagtipon noong Agosto 15, 2023 para sa pagsasagawa ng 3rd Quarter 2023 Joint Provincial Peace and Order and Public Safety Cluster Meeting sa Balin Sambali, Iba, Zambales.

Pinangunahan nina Program Manager Mary Joyce T. Bautista at LGOO II Gerald Philip DC. Esteves, kasama si Nurse II FEMIA M. CALUMBA, ang ika-16 na episode ng "USAPANG DILG: GABAY SA PAMAMAHALANG LOKAL" na pinamagatang Bakunadong Komunidad na Ligtas sa Sakit at Pandemya: Responsiblidad ng Bawat Isa", na umere sa 92.1 RTV Baler, Radyo Kawadi at Radyo Kaedup.

Idinaos ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang isang Oryentasyon ukol sa Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) noong ika-10 ng Agosto 2023. Ito ay alinsunod sa inilathalang Memorandum Sirkular Blg. 2023-103. Kabilang sa mga paksa na tinalakay sa aktibidad na ito ay patungkol sa pangkalahatang alituntunin, talatakdaan ng pagtatasa at komprehensibong diskusyon patungkol sa mga assessment areas (core at essential governance areas) na sakop ng SGLGB. Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad na ito ay ang mga Punong Barangay, mga Kalihim, Ingat-Yaman, mga miyembro ng Sanggunian at iba pang opisyal ng mga lokal na pamahalaan ng lalawigan.

To enhance bureaucratic efficiency and expand the presence of the Anti-Red Tape Authority in the Central Luzon Region, the ARTA Central Luzon Regional Field Office, represented by Ms. Mary Grace B. Manabat and Ms. Jyra Marie A. Bansil paid a courtesy visit to DILG Aurora on August 31, 2023. The purpose of the visit is to present the ARTA's programs, projects, and activities, as well as to discuss potential collaborations in ensuring the DILG's compliance with the relevant provisions of the law.

Subcategories

RDs message

President.pngSecreteary.pngCitizen-Charter.pngCitizen-Charter.pngtransparency-seal.pngFOI LogoFOI Logo


ARTA OP LABEL


GAD Logo


Full Devolution


Full Devolution