Pinangunahan nina Program Manager Mary Joyce T. Bautista at LGOO II Gerald Philip DC. Esteves, kasama si Nurse II FEMIA M. CALUMBA, ang ika-16 na episode ng "USAPANG DILG: GABAY SA PAMAMAHALANG LOKAL" na pinamagatang Bakunadong Komunidad na Ligtas sa Sakit at Pandemya: Responsiblidad ng Bawat Isa", na umere sa 92.1 RTV Baler, Radyo Kawadi at Radyo Kaedup.
Sa tatlumpong minutong talakayan ay napag usapan ang National Immunization Program at ang kahalagahan ng pagbabakuna sa kaligtasan ng mga komunidad.
Nabigyang pansin din ang SIA na isang malawakang pagbabakuna sa bansa na isinasagawa upang mapigilan ang banta ng Measles Outbreak at pagkalat ng Rubella. Napagusapan din ang layunin nito na masugpo ang banta ng polio outbreak sa bansa.
Si Nurse II Calumba ang National Immunization Program Provincial Coordinator and TB/HIV/HEPA B/RABIES PROGRAM/LEPROSY Focal Person ng Aurora Provincial Health Office.
Para mapanood muli ang ating episode kanina, you may may catch the livestream on this link,
https://www.facebook.com/921rtvbaler/videos/6316233155168879