Idinaos ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang isang Oryentasyon ukol sa Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) noong ika-10 ng Agosto 2023. Ito ay alinsunod sa inilathalang Memorandum Sirkular Blg. 2023-103. Kabilang sa mga paksa na tinalakay sa aktibidad na ito ay patungkol sa pangkalahatang alituntunin, talatakdaan ng pagtatasa at komprehensibong diskusyon patungkol sa mga assessment areas (core at essential governance areas) na sakop ng SGLGB. Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad na ito ay ang mga Punong Barangay, mga Kalihim, Ingat-Yaman, mga miyembro ng Sanggunian at iba pang opisyal ng mga lokal na pamahalaan ng lalawigan.
Ang Seal of Good Local Governance for Barangay o SGLGB ay isang pagtatasa na isinasagawa ng Kagawaran na naglalayong magbigay ng pagkilala sa mga lingkod bayan na nagpamalas ng mataas na antas ng pagganap ng kanilang tungkulin sa iba't ibang aspekto ng pamamahala sa kanilang mga nasasakupan.