Ika-31 ng Agosto 2023 | Naglunsad ng oryentasyon ang Panlalawigang Tanggapan ng DILG Nueva Ecija sa mga miyembro ng Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) Team para sa isasagawang 2023 Barangay Environmental Compliance Audit.
Inilahad sa naturang oryentasyon ang mga nilalaman ng Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160), Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (Republic Act No. 9003) at Supreme Court Manadamus Order (G.R. 171947-48) na pawang mga legal na mga basehan sa pagpapatupad ng BECA. Inisa-isa din ang sampung indicators upang matasa ang naging antas ng pagsunod ng mga barangays pagdating sa implementasyon ng Solid Waste Management.
Layunin ng BECA Team na mabatid ang pinakamahusay na barangay sa antas ng Lungsod at Munisipyo na silang magiging kandidato para sa panrehiyonal na Best Performing Barangay. Ang mapipiling Best Performing Barangay sa lalawigan ay makakatanggap ng P30,000. Sa panrehiyonal na antas, ang tatanghaling Best Performing Barangay makatatanggap ng P150,000, P100,000 naman sa papalaring ikalawang pwesto, at P80,000 para sa ikatlong pwesto.
Si LGOO II Maria Desserie P. Bundoc ang tumalakay sa mga legal na basehan, layunin, mga alituntunin at timeline ng BECA. Si LGOO II Lyka P. Dimalanta at LGOO II Millicent Kaye I. Velasquez naman ang tumalakay sa 10 indicators ng BECA.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng BECA Team na sina LGOO III Kristian Rob D. Santiago, LGOO II Kris Immanuelle C. Evangelista, ADA IV Youse Nikanor P. Cruz, ADA IV Kristine B. Ruiz, ADA IV Marinela T. Ingalla, at ADA IV Ramir T. Ramirez.