Idinaos ngayong ika-7 ng Agosto, 2023, ang ika-pitong (7) Panlalawigang Pagpupulong kasama ang mga Pampook na Tagapagpakilos ng mga lungsod at bayan sa lalawigan, pati ang mga iba pang kawani ng Kagawaran. Ang pagpupulong na ito ay nagsilbing daan upang talakayin ang mga nagtapos at kasalukuyang isinasagawang mga programa at proyekto ng Kagawaran na nakatakda para sa mga susunod na araw ng buwan ng Agosto.
Kasabay ng ika-7 buwanang pagpupulong ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ay pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, ang pagbibigay ng pagkilala sa ilang mga natatanging kawani ng tanggapan na nagpamalas ng husay, galing at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kinilala ang mga sumusunod na mga Pambayan at Panlungsod na Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal para sa kanilang mahusay at epektibong pangangasiwa at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng Kagawaran:
1. LGOO VI Myrna P. Reyes (Lungsod ng Baliwag)
2. LGOO VI Benedict M. Pangan at EA III Janet A. Florendo (Lungsod ng San Jose Del Monte)
3. LGOO VI Maria Christine M. De Leon (Bayan ng Doña Remedios Trinidad)
4. LGOO VI Mari Grace J. Villanueva (Bayan ng Paombong)
5. LGOO VI Lolita T. Silva (Bayan ng Pandi)
6. LGOO VI Maria Isabelita B. Cruz (Bayan ng Pulilan)
7. LGOO VI Catherine L. Manalastas (Bayan ng Plaridel)
8. LGOO VI Elaine D. Pagdanganan (Bayan ng Marilao)
9. LGOO VI Benjamin M. Lastrollo at ADA IV Morris Jorge C. Roque (Lungsod ng Meycauayan)
10. LGOO VI Digna A. Enriquez at LGOO II Patricia Mariel L. Danganan (Lungsod ng Malolos)
Samantala, binigyang pagkilala rin ang dedikasyon ng ilang mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan. Para sa kanilang epektibong pagganap bilang mga Pinuno ng dalawang seksyon ng DILG Bulacan binigyang pagkilala sina LGOO VI Mary Joy Nabor, bilang hepe ng Seksyon ng Pasubaybay at Ebalwasyon (MES) at LGOO V Jhea M. Gregorio na hepe ng Seksyon ng Pagpapaunlad ng Kapasidad (CDS). Kinilala rin ang ipinamalas na husay ng DIWA, ang opisyal na tagapagpalaganap ng impormasyon ng Panlalawigang Tanggapan, ito ay patungkol sa kanilang mabilis at malikhaing pagkilos upang malawakang maipabatid sa mga Bulakenyo ang mga programa at adbokasiya ng Departamento.
Sa huli, binigyang pasasalamat at pagkilala si LGOO VI Catherine L. Manalastas para sa kaniyang hindi matatawarang husay at dedikasyon sa pagganap ng tungkulin sa loob ng 18 taon, sa DILG Bulacan. Sa kasalukuyan si LGOO VI Manalastas ay ganap nang lumipat ng istasyon mula sa Bayan ng Plaridel, tungo sa Lalawigan ng Pampanga.
Ang mga nabanggit ng pagkilala ay programa sa ilalim ng Alab isa sa mga pasilidad sa ilalim ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na sub-LGRC ng Lalawigan na layong bigyang pagkilala ang mabubuting gawi ng mga kawani ng tanggapan.