Binisita ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Operation Center upang tingnan at kamustahin ang kalagayan ng mga Bulakenyo sa mga lungsod at bayan na apektado sa pinsalang hatid ng nakaraang bagyong Egay at Habagat. Kasabay nito ay tiniyak din ang mga paghahanda na isinasagawa ng mga pamahaalang lokal ng lalawigan sa kasalukuyang banta ng bagyong Falcon at patuloy nitong paghatak sa Habagat na maaaring magdulot ng malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw.
Nasa 15 bayan, 2 lungsod at libo-libong pamilya na ang naapektuhan sa nakaraang bagyong Egay at nasa humigit kumulang walumpu't tatlong (83) milyong piso naman ang inisyal na halaga ng pinsala sa mga pananim at agrikultura ng lalawigan.
Patuloy ang koordinasyon ng DILG Bulacan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at maihatid ang mga tulong sa mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.