DILG Bulacan, nakiisa sa Unity Walk ng Damayang Filipino Movement
- Details
- Written by DILG Bulacan

Nakiisa ang DILG Bulacan sa isinagawang unity walk ng Damayang Filipino Movement na may temang: Walk for Peace to Fight Drug Abuse. Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na implementasyon sa Lalawigan ng Bulacan ng Buhay Ingatan Droga'y Ayawan (BIDA) ng Kagawaran na naisakatuparan sa nagkakaisang pagtutulungan ng pribadong sektor, Pamahalaang Panlalawigan at mga piling Organisasyon ng Lipunang Sibil (CSOs). Dumalo rin sa nasabing gawain si Punong Lalawigan Daniel R. Fernando.
Read more: DILG Bulacan, nakiisa sa Unity Walk ng Damayang Filipino Movement