MAYO 14, 2024 | Pinangunahan nina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V at mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force- End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), ang pinagsamang pagpupulong na ginanap sa Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga kaganapan sa kampanya sa bawal na gamot kasama na ang kalagayan ng mga barangay sa drug clearing operations. Naglahad din ng pag-uulat ang Bulacan PPO at 70th Infantry Battalion ng AFP sa mga kampanya laban sa kriminalidad at insurhensya. Sa kabuuang ulat, nananatiling payapa ang lalawigan ng Bulacan.
Naibahagi rin sa pagpupulong ang resulta ng mg pagtatasang ginawa ng Peace ang Order Council (POC) at Anti-Drug Abuse Council (ADAC) kung saan ay isang daang porsyento ng mga bayan at syudad sa lalawigan ay nagkamit ng “High Functional” na antas.
Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, mananatiling prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang kampanya laban sa bawal na gamot upang manatiling ligtas at payapa ang mga pamumuhay ng mga Bulakenyo. Ipinaabot din nya ang pasasalamat sa mga ahensyang patuloy na nagsusumikap para sa kapayapaan at kaligtasan ng lalawigan.