Anim (6) na barangays ang sumailalim sa orientation sa ilalim ng proyektong Gabay sa Barangay. Ito ay nilahukan ng mga kinatawan ng mga sumusunod na barangay, kabilang ang Brgy Dulong Malabon, Lambac, Tibag ng Pulilan at Brgy. Balayong, Caniogan at San Vicente ng Malolos City.
Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI), at sa suporta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang Department of Information and Communications Technology, Department of Science and Technology (DOST) at ang Pamahalaang Panlalawigang ng Bulacan ay nailunsad ang gabay sa barangay project, ito ay sa ilalim ng mekanismo ng Multi-Stakeholders Advisory Committee (MSAC) ng lalawigan.
Nakapaloob sa programa ng Gabay sa Barangay ang dalawang component nito — una, ay nilalayon nitong palakasin ang kapasidad ng mga opisyal ng barangay upang matulungan ang mga Micro, Small and Medium Enterprise (MSME) sa pagnenegosyo sa kanilang barangay o upang maging business coach o mentor, at ikalawa ay ang pakikiisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) upang tumulong sa aspeto ng pamumuhunan para sa mga magnanais na mamuhunan o magnegosyo sa barangay.
Ngayong taon inaasahan na aabot ng 20 barangays ang magbebenipisyo sa programang ito.