Isang mainit na pagbati para sa Lungsod ng Balanga na hinirang na ikalawang pwesto (2nd PLACE) sa 2020 National Manila BAYani Awards and Incentives (MBAI)!
Ang MBAI ay isa sa mga inisyatibo ng DILG na nagbibigay ng insentibong pinansyal sa mga lokal na pamahalaan na nagpamalas ng mahusay na pagganap sa kanilang tungkulin na makamit ang mga indicators ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCURPP).
Sa pamamagitan ng programang ito, nahihikayat ang mga LGUs na makapagtatag ng kani-kanilang mga hakbang para sa pangangalaga ng kapaligiran. Ito ay upang himukin din ang iba pang mga lokalidad na pamarisan at ipatupad din ang mga pamamaraang naitampok sa kanilang nasasakupan.
Magmula pa noong 2016, ang Lungsod ng Balanga ay taunang napapasali na sa mga natatanging LGUs na lumalaban sa nasyonal na kategorya ng MBAI. Noong nakaraang taon, ang Balanga ay nakamit ang ikatlong pwesto (City Category) sa nasabing kompetisyon.
Muli, malugod na pagbati sa Lungsod ng Balanga! Pagbati rin sa Lalawigan ng Bataan!
#1Bataan #GalingBataan #BalangaKahangaHanga #MBCURPP