DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

 

Sa pangunguna ng DILG Bataan Locally-Funded Projects Unit, kasama ang Dinalupihan Municipal Engineering Office at si MLGOO Cherryl Beltran, isinagawa ang huling inspeksyon ng proyektong pinondohan sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) nitong ika-26 ng Abril 2024.

Ang nasabing proyekto ay ang pagtatayo ng isang kantina o "municipal cafeteria" na binubuo ng apat na food stalls at may kabuuang sukat na 106 square meters kasama ang lugar ng kainan. Ito ay naglalayong magbigay serbisyo para sa mga kawani ng gobyerno ng Bayan ng Dinalupihan at mga mamamayan nito na may transaksyon sa munisipyo.

Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang kalidad at kumpletong implementasyon ng nabanggit na gusali. Ito ang ikalimang proyektong natapos sa ilalim ng FY 2023 SGLGIF sa Bataan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3