Sa patuloy na pagtutok ng Bayan ng Orani sa pagpapabuti ng kapakanan at seguridad ng kanilang mga mamamayan, nabigyang-katuparan ang proyektong “multi-purpose vehicle” na nagkakahalagang 1.8 milyong piso at napondohan sa ilalim ng programang FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF).
Sa ginanap na pagpapasinaya ngayong araw, ika-30 ng Abril 2024, nagpaabot ng pagbati si DILG Bataan Provincial Director Belina Herman para sa tagumpay ng Bayan ng Orani bilang ikaapat na LGU sa bansa na may pinakamabilis na implementasyon ng nasabing programa.
Sa kabilang banda, pinasalamatan naman ni Punong-bayan Efren “Bondjong” Pascual Jr. ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang lokal sa pagtutulungan at pagsisikap ng bawat isa upang makapasa sa taunang SGLG Assessment. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga opisyal mula sa DILG Central Luzon, DILG Bataan at si Orani-MLGOO Catherine Aduna.