Kahapon, ika-30 ng Abril 2024, nagtipon ang mga kawani ng DILG Bataan para sa kanilang buwanang Provincial Team Conference (PTC) sa Peninsula de Bataan, Orani. Personal na nagpaabot ng mainit na pagtanggap si Belina Herman, Panlalawigang Patnugot kay Atty. Anthony Nuyda, Panrehiyong Patnugot na nakibahagi rin sa nasabing pagpupulong.
Sa nasabing kumperensya, binigyang-diin ang dalawang mahahalagang tagumpay ng mga lokal na yunit ng pamahalaan sa lalawigan. Ito ay ang pagkilala sa mga Ideal Functionality LGUs sa ilalim ng FY 2023 Local Project Monitoring Committee (LPMC) Assessment; at ang pagbibigay-pugay sa apat na LGUs na kasama sa sampung nanguna sa pagtatapos ng FY 2023 SGLGIF Projects sa buong bansa. Ito ay ang mga bayan ng Bagac (1st), Hermosa (2nd), Orani (4th) at Pilar (10th).
Gayundin, iniulat ng mga provincial focal persons mula sa FAS, MES, CDS, at LFP Unit ang mga tagumpay, estado ng pagsunod, at ilang mga paalala tungkol sa iba't ibang programa ng Kagawaran.
Ang Provincial Team Conference ay isang mahalagang pagkakataon sa pagpapalitan ng impormasyon, pagkilala sa mga tagumpay, at koordinasyon sa pagitan ng mga kawani ng DILG Bataan. Sa pamamagitan ng mga ganitong pagtitipon, patuloy na nagiging handa ang koponan na maglingkod sa komunidad at itaguyod ang prinsipyo ng mabuting pamamahala.
#1Bataan #ProActiveBataan #TrestheBest