Isinagawa ang pagpapasinaya ng dalawang kalsada sa mga bayan ng Bagac at Hermosa noong ika-15 ng Abril 2024. Ang mga nasabing bayan ang una at ikalawang nakatapos sa pagpapatupad ng kanilang proyekto sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) sa buong bansa.
Ang mga natapos na proyekto ay ang “Concreting of Road at Barangay Palihan” sa Hermosa at ang “Construction of Alapat Road at Barangay Banawang” sa Bagac na parehong nagkakahalaga ng 1.8 milyong piso. Ayon sa mga lokal na opisyal, ang mga nasabing imprastraktura ay magsisilbing simbolo ng pag-unlad at progresong pang-imprastraktura para sa mga mamamayan ng barangay.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni DILG Regional Director Atty. Anthony Nuyda, CESO III, DILG Bataan Provincial Director Belina Herman CESO V, LGOO VI Vernita La Torre, LGOO VI Maribel Patawaran, at mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan, DILG Bataan Locally Funded Projects Unit, at DILG Region 3 Project Development and Management Section.