TINGNAN | Bilang isang aktibong hakbang upang paigtingin ang kahusayan ng mga lokal na yunit ng pamahalaan, isinagawa ng DILG Bataan, sa pamumuno ni Provincial Director Belina Herman, ang hiwalay na awdit o pagsusuri ng mga Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) at Peace and Order Councils (POCs) ng lalawigan ngayong ika-17 ng Abril, 2024 sa The Bunker, Lungsod ng Balanga, Bataan.
Kasama sa aktibidad ang mga opisyal at kawani mula sa PNP, BFP, BJMP, PDEA, at ng National Council of Chaplains Bataan Chapter bilang kinatawan ng mga lipunang sibil.
Ang pangunahing layunin ng mga pagsusuring ito ay alamin ang antas ng pagganap ng mga ADACs at POCs sa pagpapatupad ng mga batas at regulasyon na naglalayong magtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa loob ng komunidad.