Isang pagbati sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, at sa mga Bayan ng Abucay, Bagac, Dinalupihan, Hermosa, Mariveles, Morong, Orani at Samal sa kanilang pagkamit ng "Ideal Functionality" sa isinagawang FY 2023 Local Project Monitoring Committee (LPMC) Functionality Assessmentnitong nakaraang buwan.
Ang LPMC Functionality Assessment ay inisyatibo ng DILG Central Luzon na naglalayong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa rehiyon tungo sa mahusay na pagpapatupad ng mga proyekto. Sa pagsusuring ito, mayroong limang pamantayan na dapat maipasa ang mga lokal pamahalaan; at "Ideal Functionality" ang pinakamataas na rating na maaari nilang matanggap.