A Safer Tomorrow: TPPO's Commitment Against Loose Firearms
- Details
- Written by DILG Tarlac
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 405

Ngayong ika-14 ng Mayo, 2024, matagumpay na isinagawa ang Pagpupulong para sa Buwan ng Mayo sa DILG Tarlac Provincial Office, Tarlac City. Pinangunahan ito ni Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang kasalukuyang kalagayan ng iba't ibang seksyon ng Opisina at ang mga paghahanda para sa 2024 Seal of Good Local Governance Assessments. Ibinahagi ang mga ulat at mga update mula sa bawat seksyon upang masiguro ang maayos na pagtalima ng opisina sa mga programa ng kagawaran.
Sa kanyang mensahe, ipinarating ni PD Bactad ang pasasalamat sa sipag at tiyaga ng bawat isa sa kabila ng sunod-sunod na gampanin na para naman sa ikabubuti ng mga komunidad. Ipinahiwatig din nya ang importansya ng pagiging biyaya sa buhay ng iba sa kabila ng mga biyayang natatanggap sa pang araw-araw.
Sa kabuuan, naging maayos at matagumpay ang pagpupulong, na nagpakita ng dedikasyon at pagsusumikap ng opisina sa pagsunod at pagpapatupad ng mga inisyatiba ng buong Kagawaran.
Masusing inspeksyon ang isinagawa ng DILG Tarlac sa tulong ng DILG Regional Office III para sa FY 2023 Seal of Good Local Governance ng Lokal na Pamahalaan ng Victoria upang masiguro na sumusunod ang lokal na pamahalaan sa pamantayan ng DILG sa pagsasagawa ng proyekto.
Ang naturang proyekto ay isang konkretong daan sa Barangay San Vicente, Victoria Tarlac. Ang farm-to-market road ay may layong mapadali ang pag-access ng mga residente sa mga pangunahing serbisyo ng bayan at maibsan ang problema sa konkretong daan ng naturang barangay.
Ang naturang inspeksyon ay dinaluhan ng DILG Tarlac sa pangunguna ni DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V, DILG Regional Office III, at ng Lokal na Pamahalaan ng Victoria.
Isinagawa ang malalimang pagsusuri ng DILG Tarlac, alinsunod sa FY 2023 Seal of Good Local Governance para sa Lokal na Pamahalaan ng Moncada noong ika-9 ng Mayo, taong kasalukuyan. Layunin nito ang pagtitiyak na sinusunod ng lokal na pamahalaan ang mga pamantayan ng DILG para sa naturang proyekto.
Ang proyektong ito ay pagtatayo ng konkretong kalsada sa Barangay Camangaan East, Moncada, Tarlac. Ang proyektong farm-to-market road ay may layong mapadali ang pag-access ng mga residente sa mga mahahalagang serbisyo ng bayan at upang maibsan ang umuusbong na problema patungkol sa transportasyon sa nasabing barangay.
Matagumpay na isinagawa ang pagsusuri kasama ang mga kinatawan mula sa DILG Tarlac at Lokal na Pamahalaan ng Moncada.
#MatinoMahusayMaaasahanatMapagkakatiwalaan
On May 7, 2024, the newly-installed Bureau of Fire Protection - Tarlac Provincial Fire Marshal FSSupt. Roberto C. Miranda paid a courtesy call to DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V at DILG Tarlac Provincial Office, Tarlac City.
#MatinoMahusayMaaasahanatMapagkakatiwalaan