Matagumpay na naisagawa ang pagsasanay sa ilalim ng programang “CLEAR: C-apacity Building for L-ocal E-mpowerment in A-nti-Drug R-esponse - A Strengthening of Barangay Capacity for Effective Drug-Clearing Operations,” para sa natitirang 51 drug-affected barangays ng Pampanga.
Ang pagsasanay ay may layunin na paigtingin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa paglaban kontra iligal na droga sa komunidad. Tinutukan dito ang kanilang pagpa-plano at ang pagpapalakas ng implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) upang matiyak ang pagiging drug-cleared ng kani-kanilang mga barangay.
Ang pagtutulungan ng DILG Pampanga, Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) sa pangunguna ni Gob. Dennis Pineda, Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ay naging susi sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na ito – isang mahalagang hakbang tungo sa layunin na maging isang drug-cleared na lalawigan ang Pampanga.