MGA LOKAL NA PAMAHALAAN SA BULACAN, NAGSIMULA NANG BALANGKASIN ANG POPS PLAN PARA SA TAONG 2026-2028
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 738
Subic, Zambales – Nagsama-sama nitong ika-13-14 ng Agosto 2025 ang mga opisyal mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Bulacan para sa dalawang araw na “Formulation of the FY 2026–2028 Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan” sa Segara Hotels, Subic Bay Freeport Zone. Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga kinatawan ng sapat na kaalaman at kasanayan upang makabuo ng malinaw, epektibo, at sistematikong plano na magsisilbing gabay ng kanilang lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan sa kani-kanilang mga komunidad.
INSPEKSYON NG PROYEKTO SA ILALIM NG F.Y. 2024 SGLGIF
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 735
Tingnan: Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang pagsusuri sa proyektong “Procurement of Emergency Response Vehicle” sa ilalim ng F.Y. 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na nagkakahalaga ng Php 2,000,000.00 sa Lungsod ng Baliwag.
KONSEHAL JAIME V. VICEO, NAIHALAL BILANG PANGULO NG NATIONAL MOVEMENT OF YOUNG LEGISLATORS LEAGUE (NMYL)
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 717
Sa gabay ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ginanap ang pangrehiyonal at panlalawigan sabayang eleksyon ng National Movement of Young Legislators League (NMYL) ngayong ika-13 ng Agosto 2025 sa Clark, Pampanga.
Ang eleksyon ay pagtalima sa Artikulo X, Seksyon 2 ng Konstitusyon at By-Laws ng naturang samahan. Isinagawa ang aktibidad hindi lamang para iboto ang mga panibagong opisyal, ngunit upang mabigyan ng angkop na kasanayan at kaalaman ang mga batang mambabatas kaugnay sa pagganap ng kanilang mga tungkulin sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.