TSLogo

 

 

facebook page

 


TIGNAN | Nitong ika-17 ng Abril, 2024, sa Lungsod ng Malolos, isinagawa ang Pagtatasa ng Provincial Assessment Committee sa pangunguna ng DILG Bulacan Provincial Director, Myrvi Apostol-Fabia, CESO V kasama ang PDEA, PNP, BJMP, YCA, ACCPI, CSO, at ang pamahalaang lalawigan ng Bulacan ng mga lokal na Peace and Order Council (POC) ng iba’t ibang Bayan at Lungsod sa lalawigan para sa taong 2023.

Lumabas sa resulta ng pagtatasa na ang 24 LGUs ay malakas na nagkamit ng “High Functionality” at epektibong nagampanan ang mga programa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigang ng Bulacan.

Ang pagtatasa ng Peace and Order Council ay taon-taong ginagawa upang sukatin ang mga gampanin at programa ng mga lokal na pamahalaan sa usaping kaayusan, kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.


Sa pangunguna ng DILG Bulacan, isinagawa ang Panlalawigang Pagtatasa para sa 2023 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit kasama ang Provincial Assessment Committee (PAC) sa dalawampu't-apat (24) na bayan at lungsod sa Lalawigan ng Bulacan ngayong ika-15 ng Abril, 2024.

Sa isinagawang balidasyon, masusing sinuri ng Provincial Assessment Committee ang mga isinumiteng dokumento ng mga lokal na pamahalaan gamit ang Anti-Drug Abuse Council Functionality Monitoring System (ADAC-FMS).
Layunin ng ADAC Performance Audit na masiguro ang patuloy na pagganap ng mga pamahalaang lokal, sa pamamagitan ng mga ADAC, sa kanilang tungkuling palakasin ang mga programa upang sugpuin ang paglaganap ng bawal na gamot.

Kabilang din sa komite ay ang PNP, PDEA, CSOs, at kinatawan ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan.

 

Nagbigay ng teknikal na gabay ngayong araw ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa bayan ng Calumpit. Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang kapasidad ng Local Project Monitoring Committee (LPMC) sa pamamagitan ng pagtutok sa mga tungkulin nito at mabigyan ng direktiba at pamantayan upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga lokal na proyekto. Gayundin, tinutukan ang pag-encode ng mahahalagang detalye ng mga proyekto sa SubayBayan at  paggamit ng Rapid Subproject Sustainbality Assessment (RSSA) portal para sa pagsusuri ng kapakinabangan at kakayahan ng mga proyekto. Ang ganitong hakbangin ay pundasyon ng mahusay na resulta at benepisyo ng mga proyekto para sa komunidad.

???????????????????????? ???????? ????????????????????????????, ???????????????????????????????? ???????? ???????????????????????????? ???????? ???????????? ???????????????? ???????????? ????????????????????
Sa pangunguna ni Mayor Arturo B. Robes at Tanggapan ng Agrikultura ng Lungsod ng San Jose Del Monte, matagumpay na inilunsad ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) ngayong araw, ika-15 ng Abril, 2024, sa Open Ground, New Government Center, Barangay Dulong Bayan, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Ang aktibidad ay isang oportunidad ng mga mamamayan upang makabili ng mga sariwang ani tulad ng prutas, gulay, isda, kagamitan sa pagkain, at iba pang kalakal na mabibili sa mababang presyo. Naglalayon ding masuportahan ng programa ang mga lokal na magsasaka sa probinsya.

 

Ngayong araw, pinangunahan ng DILG Bulacan LFP Team, ang aktibong pagsusuri ng mga proyektong "Improvement of Farm-to-Market Road at Brgy. Sulucan" na may tinatayang 7,286 na benepisyaryo, at ang proyektong "Development and/or Rehabilitation of Multi-Purpose Building in Brgy. San Roque" na inaasahang maglilingkod sa 69,037 na residente sa bayan ng Angat. Ang nasabing mga proyekto ay sumasailalim sa programang F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) na naglalayong mapalakas ang lokal na ekonomiya at kabuhayan ng mga residente at espasyo para sa pagkakaroon ng pundasyon ng pagkakaisa ng komunidad.

 

Matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-12 ng Abril, 2024, ang inspeksyon sa proyektong "Provision of Renewable Energy-based Electrification,” sa Brgy. San Lorenzo, Norzagaray. Ang proyekto, na may kabuuang halaga na Php 6,606,882.17, ay may tinatayang 3,222 na benepisyaryo. Ito ay sa pamamagitan ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na naglalayong magbigay ng sapat at abot-kayang suplay ng kuryente sa komunidad gamit ang renewable energy sa mga barangay.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video