TSLogo

 

 

facebook page

 


MARSO 16, 2024 | Katuwang ang iba’t-ibang mga ahensya at lokal na pamahalaan, pinangunahan ngayong araw ng DILG Bulacan at Pamahalang Bayan ng Marilao ang pagsasagawa sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program, kung saan itinampok ang Brgy. Sta. Rosa I sa pangunguna ni PB Kenneth Delos Reyes, bilang isa sa mga showcase barangay sa buong Rehiyon Tres.

Sa ginanap na clean-up drive sa Mary Grace Subdivision ay ipinahayag ng Bayan ng Marilao sa pangunguna ni Punong Bayan Henry Lutao ang patuloy na suporta ng bayan sa KALINISAN Program ng Departamento, kung saan ay ibinida ang kanilang proyektong Palit Basura Project.
Sa kabilang banda ay pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia ang Pledge of Commitment kung saan ay sabay-sabay na nanumpa ang bawat kawani, opisyal at mga mamamayan ng barangay sa kanilang aktibong partisipasyon sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Kabilang sa mga limang daang (500) katao na nakiisa at nakilahok sa aktibidad na ito ay sina LnB President Guillermo Paraoan, Jr., mga Punong Barangay ng Marilao, HOA ng Mary Grace Subd., mga kawani ng DILG Bulacan, PNP, BFP, BJMP, AFP, NGOs, at iba pang mga tanggapan.
Ang Kalinisan Program ay isang inisyatibo na naglalayong hikayatin hindi lamang ang pamahalaan, kung hindi ay lahat ng mamamayang Pilipino na isulong ang ligtas at malinis na kapaligiran para sa mga darating pang henerasyon.

 

Pagpapatuloy sa pagsasagawa ng Barangay Newly Elected Officials (BNEO) towards Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Barangays Basic Orientation Course sa mga opisyales mula sa mga barangay ng Bayan ng Angat, Bocaue, Bulakan, Pandi, Pulilan, San Rafael, mga Lungsod ng Baliwag at Malolos. Sa kasalukuyan ay nasa ikatlong linggo na ang nasabing aktibidad simula nang ika-11 hanggang ika-15 ng Marso, 2024.

 

Pagsailalim ng mga opisyales mula sa mga barangay ng Bayan ng Hagonoy, Guiguinto, Obando, Norzagaray, at Siyudad ng Meycauayan para sa ikalawang linggo ng Barangay Newly Elected Officials (BNEO) towards Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Barangays Basic Orientation Course na ginanap simula nang ika-04 hanggang ika-08 ng Marso, taong kasalukuyan.

 

The Provincial Inter-Agency Monitoring Task Force (PIMTF) of Local Council for The Protection of Children (LCPC) and Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC), chaired by DILG Bulacan convened the LCPC and LCAT-VAWC Functionality Assessment for CY 2024.

Held on March 1 to 8, 2024, the PIMTF conducted the onsite assessment in all twenty-four (24) cities and municipalities in the Province of Bulacan. Through this process, the LGUs were thoroughly assessed to gauge the level of their functionality in safeguarding the rights of women, children, and trafficked persons through the implementation of their projects, programs, and activities intended for the welfare and protection of women and children.

Currently, the Provincial IMTF is set to schedule the final table validation in order to discuss and evaluate the final rating of the LGUs for the said audit, thus determining their functionality level in their respective localities.


In view of the celebration of National Women’s Month, DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia provided technical assistance in the planning conference of the Lady Local Legislators League of the Philippines (Four-L) Bulacan Chapter Inc. headed by Councilor Lucy Diego of Calumpit.

The said conference aims to strengthen the collaboration between DILG Bulacan and Lady Local Legislators League of the Province towards the advancement of women’s participation and representation in governance.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video