TSLogo

 

 

facebook page

 

Ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, at sa pakikipagtulungan sa DILG at Liga ng mga Barangay (LnB) ay nagsagawa ng isang pagsasanay ngayong araw, ika-16 ng Hulyo, 2024 ukol sa proseso ng dokumentasyon ng Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) at ang pagpapalakas ng kapasidad ng mga lupon sa paghawak ng mga kaso na nakapaloob sa Katarungang Pambarangay (KP).


Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Panlalawigang Tanggapan, kung saan ibinahagi ni LGOO IV Renzo Miranda, Regional Focal Person ng LTIA, ang patungkol sa proseso at isinasagawang pagtatasa ng LTIA, at ni Judge Dennis Rolando Molina ang ukol sa mga probisyon ng Seksyon 407 at 408 ng Local Government Code of 1991 at Administratibong Sirkular Blg. 14, s. 1993.


Kabilang sa mga lupon na dumalo sa pagsasanay na ito ay ang mga piling barangay mula sa mga lungsod at bayan ng lalawigan.
Ang Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) ay naipatupad sa pamamagitan ng seksyon 406(b) ng LGC, kung saan nakatatangap ng insenstibo ang mga Lupong Tagapamayapa na nagpamalas ng mahusay na pagganap sa pagkamit ng mga layunin ng Katarungang Pambarangay.


Ika-13 ng Hulyo, 2024, opisyal na pinasinayaan ang 22 Solar street lights na magbibigay liwanag sa mga kalsada ng Barangay San Jose Patag hanggang sa Riverbanks sa Bayan ng Santa Maria. Ang proyektong ito ay insentibo ng lokal na pamahalaan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 1,800,000 piso.

 

Sa patuloy na pagtataguyod ng kaligtasang pangkalusugan at kalinisan sa mga komunidad, namayani ang pagkakaisa ng mga ahensya, pamahalaang lokal, at mga residente ng nasabing barangay ngayong araw, ika-13 ng Hulyo, 2024 sa isinagawang Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) sa Bagong Pilipinas program, kung saan ay itinampok ang Brgy. Balasing, Bayan ng Santa Maria bilang national showcase barangay mula sa lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video