Nakipagpulong si PD Myrvi Apostol-Fabia sa Liga ng mga Barangay Meycauayan Chapter sa pangunguna ni PB Carlito O. Magno ngayong araw upang talakayin ang mga programa ng Departamento tulad ng Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB), Barangay Road Clearing Operations (BaRCO), , BDRRMC, Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program, Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at iba pang mga programa para sa mga barangay.
HULYO 30, 2024 | Isinagawa ng Panlalawigang Tanggapan ang ika-pitong DILG Konek: Provincial Team Conference sa Bayan ng San Miguel, Bulacan. Bilang pakiisa ng Tanggapan sa National Disaster Resiliency Month ay tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon ng mga pamahalaang lokal kaugnay ng nagdaang bagyo Carina at ang mga hakbangin na kinakailangang gawin ng mga kawani upang mas mapaghandaan ang pagdating ng anumang sakuna o kalamidad. Ipinrisenta rin ang mga ulat, proyekto at programa na nangagailangan ng pagtalima sa mga susunod na buwan. Kabilang sa mga dumalo at nagpahayag ng suporta ay sina Punong Bayan Roderick Tiongson, Ikalawang Punong Bayan John Alvarez, at ilang pinuno ng tanggapan ng San Miguel.
Naging parte rin ng pagpupulong ay ang pagpresinta sa mas pinahusay na sistema ng E-LGRC ng tanggapan ang ALAGWA 2.0, kung saan ay mas maitataas nito ang partisipasyon ng mga miyembro ng MSAC. Sa kabilang banda ay ibinahagi naman ni OIC Program Manager, LGOO V Gerald Cabarles, Jr. ang mga naging pagtatagumpay na naisagawa ng Tanggapan sa unang semestre at ang mga nakatalagang mga targets para sa ikalawang semestre ngayong taon.
Sa direksyong tatahakin sa mga susunod na buwan, ibinahagi ni PD Myrvi Fabia ang ibayong kahandaan para sa mga sakunang paparating sa bawat komunidad. Gamitin ang mga natutunan sa mga kwento ng pagbaha at pagbangon na sa pamamagitan ng DILG ay magabayan ang mga pamahalaang lokal na maging handa at listo sa anumang sakuna. Sa huli ay kaniyang iniwan ang mensahe na kung ang bawat kawani ay maglilingkod ng buong puso ay hinding-hindi ito maliligaw, dahil ang sinseridad ay siyang magiging gabay tungo sa wastong landas ng serbisyong publiko.
DILG Bulacan participated in the Magna Carta of the Poor - Local Poverty Reduction Action Plan Orientation Seminar held today, July 29, 2024, in Mariano Ponce Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan.