TSLogo

 

 

facebook page

 

Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong "Construction of Drainage System at Panasahan, City of Malolos, Bulacan". Ang proyektong ito ay insentibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 4,000,000 milyong piso.


Inaasahan na ang proyekto ay magbibigay ng maayos na daluyan ng tubig upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng komunidad.


Binigyan ng pagkilala sa isinagawang DILG Konek: Provincial Team Conference, ang mga Pambayan at Panlungsod na Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal na nagpamalas ng kanilang husay sa pagtalima ng mga ulat at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa para sa ikalawang sangkapat ng taon:

Ika-31 ng Hulyo 2024, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspeksyon sa proyektong "Construction of MRF" sa barangay Lawang Bato Cacarong Matanda sa bayan ng Pandi. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na nagkakahalaga ng 1.8 milyong piso.


Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang pamamahala ng basura sa komunidad sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay nito ayon sa kanilang uri. Ito rin ay magandang pagkakataon upang hikayatin ang mga mamamayan ng Pandi na maging responsable sa pagsasaayos ng basura at mapangalagaan ang kapaligiran.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video