- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3009
Sa ilalim ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) alinsunod sa Memorandum Sirkular blg. 2024-053, matagumpay na naisagawa sa dalawampu’t apat (24) na lokal na pamahalaan ng Bulacan ang malawakang Barangay Road Clearing Operations (BaRCO) onsite validation na nagsimula noong ika-24 hanggang ika-29 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Sa pamumuno ni Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, katuwang ang iba’t-ibang ahensya na bumubuo sa Composite Validation Assessment Task Team (CVATT), ang nasabing operasyon ay naging bunga ng maayos na koordinasyon at pagtutulungan kasama ang mga opisyal ng mga barangay upang sama-samang alisin ang mga sagabal sa mga lansangan at kalsada. Bahagi ng kampanya ng nasabing programa ang pagtanggal sa mga ilegal na istraktura, mga nakaparadang sasakyan, at iba pang mga hadlang upang magkaroon ng maginhawang pagdaan ng mga motorista.
Ang Barangay Road Clearing Operations (BaRCO) ay maigting na ipinatutupad kasabay ng layunin ng pamahalaan na magkaroon ng malinis at ligtas na komunidad para sa bawat mamamayang Pilipino.