Ang Office of the Barangay Affairs ng DILG Central Office at DSWD ay nagsagawa kanina, May 5, 2020, ng on-site Social Amelioration Program (SAP) Pay-Out Monitoring sa Brgy. Tenejero, Balanga City, Bataan.
Isinagawa ang nasabing monitoring upang personal na masaksihan ang pamamahagi ng SAP pay-out, makita ng validating team ang proseso ng barangay sa pagpili ng mga benepisyaryo at kung nasusunod ang mga pamantayan na itinalaga ng pamahalaan.
Inobserbahan din ng grupo ang social distancing measures sa espesyal na mass gathering katulad nito para masiguro ang kaligtasan ng mga residente ng barangay.
Sa kabuuan, mayroong 1,139 households (601 kahapon, 538 ngayon) ang nakabilang sa mga eligible na makatanggap ng SAP pay-outs sa Barangay Tenejero.
Ang SAP monitoring team ay kinabibilangan nina Assistant Bureau Director Jam Banzon ng DSWD-Disaster Response Management Bureau (DRMB), DSWD R3 Assitant Regional Director for Operations Lalaine De Leon, iba pang kasamahan sa DSWD at si Liz Beth Ann Samaniego ng CSWDO-Balanga City.
Kasama rin mula sa DILG sina Eric Chico ng Office of the Barangay Affairs at Mario Dizon ng DILG Bataan Provincial Office. Ang Brgy. Tenejero ay pinamumunuan ni Punong Barangay Evelyn Yuzon.