DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

 

Noong Enero 7, 2025, matagumpay na isinagawa ng DILG Bataan ang "KALINGA at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program" sa Brgy. Sapa, Samal, Bataan, sa pangunguna ni PD Belina Herman CESO V. Ang mga barangay opisyal sa pangunguna ni Hon. Dione Verni Langas at residente ng barangay ay sama-samang lumahok sa programang ito, na bahagi ng layunin ng gobyerno na makamit ang mas malinis, ligtas, at maunlad na komunidad sa ilalim ng konsepto ng "Bagong Pilipinas."

Ang layunin ng KALINISAN Program ay itaguyod ang disiplina, kooperasyon, at responsableng pangangalaga sa kalikasan. Sa ilalim ng diwa ng “Bagong Pilipinas,” inaasahang mahihikayat ang mga mamamayan na makilahok sa tamang pamamahala ng solid wastes at tumulong para sa mas maayos at maunlad na pamayanan. Ang aktibidad ay nagsisilbing simbolo ng bagong simula at hakbang tungo sa isang makakalikasan at progresibong hinaharap.

Sa pagpasok ng taong 2025, ang mga ganitong gawain ay dapat magsilbing inspirasyon sa pang-araw-araw na buhay ng bawat isa. Mahalaga ang pagpapatuloy ng diwa ng bayanihan at sama-samang pagkilos para sa kalikasan at komunidad. Maging bahagi ng #KALINISANsaBagongPilipinas at ipamalas ang positibong pagbabago para sa mas malinis, ligtas, at mas maunlad na kinabukasan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3