DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

 

Sa bayan ng Bagac, Bataan, isang proyekto ang nagbigay bagong sigla sa komunidad ng Banawang—ang isang bagong kongkretong kalsada na naisakatuparan sa pamamagitan ng FY 2022 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) ng DILG.

May kabuuang haba na 330 metro at lapad na 5 metro, ang nasabing daan ay isang malaking hakbang tungo sa mas maginhawang transportasyon at pag- unlad ng barangay kung saan naninirahan ang humigit-kumulang 3,433 na indibidwal, kabilang ang mga residente ng Sitio Alapat na mga pangunahing makikinabang.

Ayon kay Punong-bayan Rommel Del Rosario, ang kalsadang ito ay isang biyaya sa kanilang bayan. “Malaking bagay ito para sa aming mga kababayan na marating nila ang kanilang mga sinasakang lupain. Hindi lamang ito isang daan para sa mga residente, kundi maging para sa mga turista, lalo na at ito ay nag- uugnay sa Ambon-ambon Falls, isang sikat na pasyalan dito sa Bataan," ani Del Rosario.

Para naman sa mga residente, malaking tulong ang bagong kalsada sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Dati-rati, ang mga magsasaka at nagtitinda ay hirap na hirap sa pagbiyahe ng kanilang mga produkto dahil sa lubak lubak at maputik na daan. Ngayon, mas mabilis at ligtas na ang kanilang paglalakbay.

Si Mang Domingo Tamayo, isang magsasaka, ay nagbahagi ng kanyang karanasan: “Dati, hirap na hirap po kami, lalo na po kapag tag-ulan,napakadulas po ng daanan. Nagpapasalamat nga po kami na hindi nagtagal at nasemento na ang daan at ngayon, ginhawa na kami.”

Ang proyektong local access road sa Barangay Banawang ay isang halimbawa kung paano nagagamit ng mga lokal na yunit ng pamahalaan ang mga insentibo mula sa gobyerno, gaya ng SGLGIF, upang mapabuti ang buhay ng mga mamamayan.

At sigurado, ang proyektong ito ay higit pa sa isang simpleng daan—ito ay isang simbolo ng pag-asa at pag-unlad para sa buong komunidad. Sa tulong at pamumuno ng lokal na pamahalaan, inaasahan pa ang mas maraming proyekto na magbibigay ng ginhawa at progreso sa ating mga kababayan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3