DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

 

Sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa bayan ng Dinalupihan, isa na namang mahalagang hakbang ang isinagawa ng pamahalaang lokal nang maipatupad ang proyektong "Construction of Farm-to-Market Road in Barangay New San Jose." Sa tulong ng Support to Barangay Development Program (SBDP), ang nasabing kalsada ay napondohan ng may kabuuang halagang ₱6,605,711.69; at inaasahang 500 o higit pang residente ang magbebenepisyo rito.

Ang nasabing proyekto ay inaasahang magdudulot ng malaking tulong sa mga magsasaka ng Barangay New San Jose, sa pamamagitan ng pagpapabilis ng kanilang mga transaksyon at paghahatid ng kanilang mga produkto sa buong bayan. Sa pagkakaroon ng maayos at konkretong daan na may habang 486 metro at lapad na 6.2 metro, mas mapapadali ang pag-access ng mga magsasaka sa mga pangunahing serbisyo at pamilihan, na magreresulta sa mas mataas na kita at mas maunlad na komunidad.

Ayon kay Punong-bayan German Santos Jr., napakalaki ng tulong ng pondong karagdagang ibinibigay para sa LGU. Aniya, unang-unang makikinabang dito ang mga residente, lalo na ang mga magsasaka.

"Napabilis ang kanilang pagbiyahe ngayon: mas ligtas at talagang kaaya-aya na tingnan ang aming kalsada doon," saad ng punong-bayan.

Nagbahagi naman ng karanasan si Susana Santos, isang residente, ukol sa benepisyo ng kalsada. "Nailalabas na namin ang aming palay nang maluwag at maganda. Malaking pasasalamat ang aming nararapat ibigay sa DILG at sa National Government sa proyektong ito.”

Sa pagtutulungan ng pamahalaang lokal at ng mamamayan, inaasahang magiging matagumpay ang proyektong ito at magdudulot ng positibong epekto hindi lamang sa Barangay New San Jose kundi sa buong bayan ng Dinalupihan. Ang pagkakaroon ng maayos at modernong imprastruktura ay isa sa mga pundasyon ng tunay na pag-unlad at progreso ng isang komunidad.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3