Dalawang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa gobyerno ay tatahak na sa tamang landas matapos tumanggap ng tulong pinansyal at pangkabuhayan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng DILG.

Sa isang simpleng seremonya na iginawad at ginanap sa DILG Pampanga Provincial Office, pinangunahan ng mga miyembro ng ECLIP Committee ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo na gagamitin ng mga FR upang magsimula ng maliit na negosyo at matulungan silang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Binati ni Provincial Director Myra Moral-Soriano ang bawat isa sa kanilang makabuluhang desisyon na lisanin ang kanilang dating organisasyon at ibalik ang kanilang katapatan sa pamahalaan. Hinikayat din niya ang mga FR na huwag ng muling magpadala sa mga grupong komunistang terorista at sa halip ay makipagtulungan sa pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran.