The learning continues as Batch 2 of GADRISE: Gender and Development for a Resilient, Inclusive, and Sustainable Empowerment was successfully conducted on April 4, 2025, at the Benigno Aquino Hall, Capitol Compound, City of San Fernando, Pampanga.

A key highlight of the session was the heartfelt sharing of experiences by VAW Desk Officers, whose dedication to supporting victims of violence against women (VAW) continues to make a profound impact in their respective barangays.

 

Matagumpay na naisagawa ang huling pagsasanay sa Batas at Barangay para sa Kaayusan ng Pamayanan: Training for Lupong Tagapamayapa on Katarungang Pambarangay and Other Special laws ngayong Marso 13-14, 2025, sa Greene Manor Hotel, San Fernando, Pampanga.

Itinampok sa pagsasanay ang mahahalagang pagbabago sa Katarungang Pambarangay, kabilang ang masusing pagtalakay sa buong proseso nito—mula sa pagsampa ng reklamo, pagdaraos ng proceedings, tungkulin ng Lupong Tagapamayapa, hanggang sa posibleng pagsampa ng kaso sa mas mataas na korte kung kinakailangan.

 

Nagtipon-tipon ang DILG Pampanga para sa Panlalawigang Pagpupulong at Pagpaplano ngayong ika-25 ng Pebrero 2025, kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso ay ang pagbibigay importansya sa kalusungan nito. Hinikayat din ng opisina ang lahat na pangalagaan ang kalusugan ng puso sa pamamagitan ng malusog na pamumuhay at regular na pagpapasuri.

 

Opisyal nang sinimulan ang unang batch ng BARANGAYAN:Training for Lupong Tagapamayapa on Katarungang Pambarangay and Other Special Laws ngayong Pebrero 26-27, 2025, sa Greene Manor Hotel, San Fernando, Pampanga. Ang inisyatibong ito ay isang mahalagang hakbang upang patatagin ang hustisya sa komunidad at mapalakas ang lokal na pamamahala.