Magalang, Pampanga – Noong ika-19 ng Agosto, 2023, ginanap ang pagpapasinaya ng mga bagong LED street lights sa Barangay San Francisco sa bayan ng Magalang, Pampanga na pinangunahan ni KGG. Maria Lourdes Lacson, ang Punongbayan ng Magalang, ang nasabing seremonya.
Mayroong 100 LED street lights (na rated 150 watts power DC) ang pinailawan na makatutulong sa mga motoristang pumupunta sa Magalang Town Proper gabi gabi. Bukod dito, inaasahang bababa ang insidente ng krimen at aksidente sa nasabing lugar dahil sa mas maliwanag na kalsada.
Ang mga LED street lights ay naging posible sa pamamagitan ng Seal of the Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF).
"Layunin nating masiguro ang kaligtasan ng ating mga mamamayan at mapabuti ang kanilang karanasan sa paglalakbay, lalo na sa gabi. Ito rin ay magbibigay-daan para sa mas maayos at mapayapang pamumuhay ng ating komunidad", ayon sa alkalde ng bayan na si Gng. Maria Lourdes Lacson.
Sa pagpapasinaya ng mga LED street lights sa Barangay San Francisco, patuloy na inaasahan ang pag asenso ng bayan ng Magalang sa larangan ng pampublikong serbisyo at imprastruktura na isang hakbang din patungo sa mas ligtas at mas maginhawang buhay para sa mga mamamayan.
Kabilang sa mga naroroon ay ang DILG Pampanga Locally Funded Projects Team sa pangunguna ni Dir. Myra B. Moral-Soriano, CESO V, ang DILG Central Luzon Capability Development Division Chief na si LGOO VI Lee Allen Pineda, at mga Engineers. Naroon din ang mga opisyal ng Barangay San Francisco at Barangay San Pedro 2.