Malinis na Kapaligiran Susi sa Matagumpay na Pamayanan: Tema ng Isinagawang Clean Up Drive ng DILG Bulacan
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 3720

Sa patuloy na pakikibahagi ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bulacan sa pangangalaga ng ating kalikasan, noong ika-31 ng Mayo ay matagumpay na naisagawa ang Clean-Up Drive sa Brgy. Sto Niño, Paombong, bilang tugon sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Project (MBCRPP) ng pamahalaan. Layunin ng gawain na ito na isakatuparan ang mandato ng Kagawaran sa pagpreserba at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran para sa kaunlaran at kalusugan ng mga mamamayan.