Sa patuloy na pakikibahagi ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bulacan sa pangangalaga ng ating kalikasan, noong ika-31 ng Mayo ay matagumpay na naisagawa ang Clean-Up Drive sa Brgy. Sto Niño, Paombong, bilang tugon sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Project (MBCRPP) ng pamahalaan. Layunin ng gawain na ito na isakatuparan ang mandato ng Kagawaran sa pagpreserba at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran para sa kaunlaran at kalusugan ng mga mamamayan.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia sa pakikiisa rin ng mga opisyal ng bayan ng Paombong sa pangunguna ni Igg. Maryanne P. Marcos, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Environment and Natural Resources Officers (MENRO), mga opisyal ng Brgy. Sto. Niño sa pangunguna ni Punong Barangay at ABC President Edgardo C. Cabantog, mga Pampook na Tagapagkilos ng Pamahalaang Lokal ng Lalawigan at ibang pang mga kawani ng gobyerno mula sa Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran.