×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Naghatid ng ngiti at saya sa mga residente ng Brgy. Siling Bata, Pandi ngayong ika-19 ng Mayo, 2023 ang inilunsad na Serbisyo Caravan na may temang #PROJECTPAGBANGON. Ang gawaing ito ay bahagi ng Retooled Community Support Program (RCSP) na layong labanan ang banta ng insurhensiya sa pamamagitan ng pagpapataas ng antas ng kamalayan ng mga residente ukol sa mga programa, proyekto at serbisyo ng Pamahalaan.

 Ilan sa mga serbisyo na nailapit sa mga mamamayan sa pamamagitan ng nasabing gawain ay ang mga sumusunod:

• Pagbabahagi ng libreng tsinelas at feeding program;
• Libreng pamamahagi ng vegetable seeds;
• Libreng blood pressure test, health kit, vitamin A at bakuna para sa mga bata at senior citizens kontra Tigdas, Polio at Pneumonia;
• Libreng oryentasyon ukol sa Kabuhayan Program, Government Internship Program at Special Program for Employment;
• Libreng tulong pinansyal mula sa Livelihood Program at;
• Libreng gupit at masahe para sa mga residente.

Tinatayang nasa 800 benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng serbisyo, at ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng kolaborasyon ng iba't ibang mga ahensya ng Pamahalaan kasama ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.