TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa pagpapatuloy ng masigasig na kampanya ng DILG kontra ilegal na droga kakambal ng pagpapabuti ng serbisyo publiko, isinagawa ngayong araw, ika-29 ng Mayo, 2025 sa pamamagitan ng Zoom ang Reorientation on Guidelines in the Implementation of Drug-Free Workplace.

Katuwang ang PDEA Region III, tinutukan ng DILG Bulacan ang pagpapahusay at pagpapalalim ng kaalaman ng mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng mga Lokal na Pamahalaan sa Bulacan patungkol sa pagsusulong upang maideklarang “Drug-Free” ang kani-kanilang mga opisina. Sa kanyang diskusyon, ibinahagi ni PDEA Information Officer Glenn Guillermo ang mga gabay at polisiya upang maideklarang "drug-free" ang isang opisina tulad ng mga dokumentong kinakailangang ihanda, mga komite at pangkat na kailangang buuin, maging ang mga aktibidad na dapat ma-implimenta. Kakambal nito, nagkaroon din ng talakayan at paglilinaw ukol sa mga batas at patakarang umiiral hingil sa substance abuse and illegal drugs sa mga kawani at tanggapan ng pamahalaan.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni LGOO VII Lydia Baltazar ng DILG Bulacan ang kahalagahan na lahat ng lokal na pamahalaan sa Bulacan ay mai-deklarang drug-free. Aniya, ang pagkamit ng deklarasyon na ito bilang “drug-free workplace” sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ay di lamang manipestasyon ng masugit na pagtalima sa batas, bagkus ay patunay din ng pakikiisa sa kampanya ng DILG na labanan ang paglaganap ng ilegal na droga lalo na sa mga tangapan ng pamahalaan.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga City/Municipal Administrators at Human Resource Management Officers mula sa iba’t-ibang mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Bulacan kasama ang mga DILG Provincial at Field Officers.

 


Featured Video