TSLogo

 

 

facebook page

 

TINGNAN : Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan ang pagsusuri sa Bayan ng Bustos para sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng FY 2024 Local Government Support Fund - Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) na nagkakahalaga ng Php 5,000,000.00 kada proyekto:

- Improvement of Farm-to-Market Road in Barangay Bonga Menor;

- Improvement of Farm-to-Market Road in Barangay Malamig; at

- Improvement of Farm-to-Market Road in Barangay Tanawan

Brgy. Tungkong Mangga, Brgy. Balatong A at Brgy. Catanghalan, Itinanghal bilang Outstanding Lupong Tagapamayapa sa Lalawigan

Marso 18, 2025 | Idinaos ngayong araw ng DILG Bulacan sa pangunguna ni PD Myrvi Fabia kasama ang mga miyembro ng Bulacan PAC ang Pangwakas na Balidasyon para sa Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) CY 2025. Itinanghal bilang best lupon sa lalawigan at magiging kalahok sa regional level ng LTIA ang Brgy. Tungkong Mangga, CSJDM para sa Component City Category ang Brgy. Balatong A, Pulilan para sa 1st Class Municipalities Category, at Brgy. Catanghalan, Obando para sa 2nd Class Municipalities Category.

Marso 13, 2025 | Personal na nag-abot ng pakikiramay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alex Castro, kasama sina DILG Bulacan PD Myrvi Apostol-Fabia at PNP Bulacan PD PCOL Satur L Ediong sa naulilang pamilya ng dalawang nasawing bayaning pulis na sina PSSG. Dennis G Cudiamat at PSSG. Gian George N Dela Cruz. Kasabay nito ay ipinagkaloob rin ang Posthumous Service Awards at Resolusyon ng PPOC na kumikilala sa kanilang kabayanihan sa ngalan ng pagtupad ng kanilang tungkulin.

 


Featured Video