TINGNAN | Ngayong araw, ika-26 ng Mayo 2025, ang DILG Bulacan, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ginanap ang EODB Learning Episode 2 na may temang “Digital Governence – Understanding e-Government (eGov) and Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS)”
Ang aktibidad na ito, bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng EODB Month, ay nilahukan ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Bulacan at tinuon ang talakayan sa mga mahahalagang paksa na umiikot sa pamamahala na gumagamit ng makabong teknolohiya.
Ang gawaing ito ay bahagi ng inisyatiba ng DILG Bulacan sa ilalim ng ALAGWA Bulacan upang mapataas ang antas ng kaalaman ng bawat lokal na pamahalaan sa mga benepisyo ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pamamahala.