TSLogo

 

 

facebook page

 

Pinangunahan nang ika-4 ng Hulyo taong kasalukuyan ng DILG Bulacan ang pagpupulong ng Provincial Management Coordinating Committee upang ipresenta ang magsisilbing panukatan para sa pagpili ng mga mahusay na Peace and Order Council (POC) ng mga lungsod at bayan ng lalawigan. Ang pagbabalangkas ng nasabing panukatan ay ang magsisilbing basehan upang mabigyan ng pagkilala ang mga lokal na POC na nagpamalas ng mataas na antas ng pagganap ng kanilang mga gampanin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayang bulakenyo. Kasabay nito ay ang pagtalakay ng konseho ukol sa aktibidad na isasagawa ngayong buwan na may kaugnayan sa pagbibigay ng oryentasyon sa drug clearing upang mapataas ang bilang ng mga na drug-cleared barangays ng lalawigan.

Isinagawa ngayong araw ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspekyon sa proyektong “Fabrication and Installation of Streetlights” sa barangay Tiaong, Guiguinto, Bulacan. Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund na may kabuung halaga na Php 1,800,000.00 milyong piso.

Layunin ng proyektong ito na maging maliwanag at ligtas ang mga daan at lansangan sa bayan ng Guiguinto.

 


Featured Video