TSLogo

 

 

facebook page

 

Labing isa (11) na dating rebelde ay tumanggap ng tulong pinansyal sa pamahalaan kasabay ng isinagawang Pinagisang Pulong ng PPOC, PADAC at PTF-ELCAC sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ang pagbabahaging ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng Kagawaran. Pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando at DILG Regional Director Anthony Nuyda ang pagbabahagi sa bawat kwalipikadong dating rebelde ng food packs mula sa Pamahalaang Panlalawigan, 15,000 piso na immediate assistance kada indibidwal, at 50,000 piso na livelihood assitance para sa bawat indibidwal na mga dating kasapi ng New People’s Army (NPA).


Ang ECLIP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng tulong sa mga dating rebelde at mga kasapi ng mga magkakaliwang grupo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tulong pinansyal bilang panimula sa kanilang muling pagbabalik loob sa pamahalaan.

Ika-09 ng Agosto, 2024 ay isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang pinagsamang pagpupulong para sa ikatlong sangkapat sa pangunguna nina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, Pangalawang Punong Lalawigan Alexis Castro at DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, kasama ang mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), na ginanap sa Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.


Tinalakay sa pagpupulong ang mga kaganapan sa kampanya sa bawal na gamot kasama na ang kasalukuyang kalagayan ng mga barangay sa drug clearing operations. Binigyan diin din sa pagpupulong ang mga nakatakdang hakbang at programa ng iba’t ibang ahensya, maging ng pamahalaang panlalawigan, na may kinalaman sa kaayusan, kaligtasan at kapayapaan ng lalawigan.

Ngayong araw ay isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong "Construction of NIA Road” sa Brgy. Tabang, Plaridel. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na may kabuuang halaga na Php. 1,800,000.00 milyong piso.


Ang proyektong ito ay naglalayong mapadali at gawing mas ligtas ang pagbiyahe ng mga tao at produkto, na magpapalakas sa lokal na ekonomiya at magpapabuti sa kabuhayan ng mga residente ng Plaridel.

 


Featured Video