TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Ngayong araw, pinangunahan ng Panrehiyon at Panlalawigang Inhinyero ng Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang inspeksyon sa mga proyektong “Construction of Health Station in Barangay Binuangan" at "Construction of Level III Potable Water Supply System in Barangay Salambao". Ang mga proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na nagkakahalaga ng Php 6,606,882.17 milyong piso kada proyekto.

Layunin ng mga proyektong ito na magbigay ng mas madaling akses sa serbisyong pangkalusugan at malinis na inuming tubig para sa mga residente ng Obando.

Isinagawa ngayong araw ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa dalawang mahalagang proyekto na "Construction of Two (2) Storey - Two (2) Classroom Building" sa barangay Saluysoy at Libtong, Lungsod ng Meycauayan. Ang mga proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na may kabuuang pondo na 6,606,882.17 milyong piso kada proyekto.

Sa pamamagitan ng SBDP, patuloy na itinataguyod ang mga proyektong magbibigay ng konkretong solusyon sa mga pangangailangan ng mga komunidad, lalo na sa sektor ng edukasyon. Ang mga ganitong inisyatiba ay mahalagang hakbang tungo sa pag-unlad at pag-angat ng bawat barangay.

 


Featured Video