"Kapag tayo ay Nagsama-sama Laban Kontra Droga, Walang Imposible" - Gob. Daniel Fernando
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 33
HULYO 17, 2024 | Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ang isinagawang panlalawigang re-oryentasyon at konsultasyon ukol sa implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) sa mga 168 barangays na nananatiling apektado ng ilegal na droga, ngayong araw, ika-17 ng Hulyo, taong kasalukuyan.
Read more: "Kapag tayo ay Nagsama-sama Laban Kontra Droga, Walang Imposible" - Gob. Daniel Fernando
TIGNAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 33
Ngayong araw ay isinigawa ng DILG Bulacan LFP Team ang isang pagsusuri sa proyektong, "Purchase of Vehicle - Ambulance" sa ilalim ng F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) na may kabuuang pondo na Php. 2,500,000.00 milyong piso sa bayan ng Calumpit
Inaasahan na sa pamamagitan ng proyektong ito ay makakapagbigay ng agarang tulong medikal sa mga aksidente, mga biktima ng kalamidad, gayon din sa mga kritikal na karamdaman ng mamamayan ng Calumpit.
Pagpapalakas ng Kapasidad ng mga Lupon, Pinangunahan ng DILG Bulacan
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 28
Ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, at sa pakikipagtulungan sa DILG at Liga ng mga Barangay (LnB) ay nagsagawa ng isang pagsasanay ngayong araw, ika-16 ng Hulyo, 2024 ukol sa proseso ng dokumentasyon ng Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) at ang pagpapalakas ng kapasidad ng mga lupon sa paghawak ng mga kaso na nakapaloob sa Katarungang Pambarangay (KP).
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Panlalawigang Tanggapan, kung saan ibinahagi ni LGOO IV Renzo Miranda, Regional Focal Person ng LTIA, ang patungkol sa proseso at isinasagawang pagtatasa ng LTIA, at ni Judge Dennis Rolando Molina ang ukol sa mga probisyon ng Seksyon 407 at 408 ng Local Government Code of 1991 at Administratibong Sirkular Blg. 14, s. 1993.
Kabilang sa mga lupon na dumalo sa pagsasanay na ito ay ang mga piling barangay mula sa mga lungsod at bayan ng lalawigan.
Ang Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) ay naipatupad sa pamamagitan ng seksyon 406(b) ng LGC, kung saan nakatatangap ng insenstibo ang mga Lupong Tagapamayapa na nagpamalas ng mahusay na pagganap sa pagkamit ng mga layunin ng Katarungang Pambarangay.