TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa pangunguna ng DILG Bulacan, at pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, isinagawa ngayong araw sa Lungsod ng Malolos ang aktibidad upang palakasin ang kakayahan ng mga katuwang ng mga DILG Officers sa bawat lokal na pamhalaan sa lalawigan.

Ang nasabing aktibidad na pinamagatang “AGAPAY: Aksyon at Gabay tungo sa Aktibong Pagpapayaman ng Kaalaman Ukol sa mga Ulat ng Kagawaran” ay bahagi ng adhikaing mapagyabong pa ang kaalaman ng mga DILG Officers kasabay ng kanilang mga katuwang sa bawat LGU upang mapabilis ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan.

Layunin ng aktibidad na ito na magbigay kaalaman at gabay sa mga nabanggit upang mas mapabilis ang pagsusumite ng mga ulat, pati na rin ang implementasyon ng mga proyekto at programa ng Kagawaran. Bahagi rin ng gawaing ito ang pagtulong sa pagpapahusay ng kanilang kakayahan sa paghahanda ng mga dokumento para sa mga pagtatasang ginagawa ng Kagawaran at lalo’t higit sa pagsusulong ng digitalization sa departamento, pati na rin sa pagpapadali ng mga proseso sa pagsusumite ng mga ulat. Ito ay upang mas mapabuti at mapabilis ang serbisyo publiko ng kagawaran sa mga lokal na pamahalaan.

Dinaluhan ng apatnaput-tatlong (43) masisigasig na mga kawani mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan ng lalawigan ang nasabing gawain, na sumasalamin sa kanilang dedikasyon, kasama ang kanilang mga DILG Officers, na maipagpatuloy ang pagpapabuti ng mga serbisyo sa kanilang mga bayan at lungsod.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video