TSLogo

 

 

facebook page

 

 


Ika-14 ng Agosto, 2024, opisyal na pinasinayaan ang 18 Solar Streetlights na magbibigay liwanag sa mga kalsada ng Barangay Tiaong sa bayan ng Guiguinto. Ang proyektong ito ay insentibo ng lokal na pamahalaan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 1.8 milyong piso.


Pinangunahan ni Congressman Ambrosio Cruz, Jr. ng ika-limang distrito, Punongbayan Agatha Paula A. Cruz, at Pangalawang Punongbayan Banjo S. Estrella ng Guiguinto, gayon din ang iba pang mga pinuno ng lokal na pamahalaan, ang seremonya. Kasama rin ang mga pinuno ng DILG, Assistant Regional Director Jay Timbreza, Provincial Director Myrvi Fabia, at MLGOO Carla Marie Alipio sa pagpapasinaya ng nasabing proyekto.


Ang Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) ay insentibo na ibinibigay sa mga local government units (LGUs) na nakapasa sa mga pamantayan ng SGLG. Ang mga pondo mula sa SGLGIF ay maaring gamitin para sa iba’t ibang proyekto at programa na magpapabuti sa serbisyo publiko at pagpapaunlad ng kanilang komunidad.

 


Ngayong araw, opisyal na pinasinayaan ang proyektong "Development of Child-Friendly Park at National Child Development Center (NCDC)" sa barangay San Roque bayan ng Angat. Ang proyektong ito ay mula sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund na may kabuuang halaga na 1,800,000 milyong piso.

Ika-09 ng Agosto, 2024 ay isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang pinagsamang pagpupulong para sa ikatlong sangkapat sa pangunguna nina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, Pangalawang Punong Lalawigan Alexis Castro at DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, kasama ang mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), na ginanap sa Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.

 

Kasabay ng pinagsamang pulong ng PPOC- PADAC AT PTF-ELCAC ay kinilala ang husay at galing ng mga Lupong Tagapamayapa sa lalawigan. Kinilala ang Brgy. Catanghalan, Bayan ng Obando sa pangunguna ni Punong Barangay Ruben Serrano bilang Top Performer sa ilalim ng 1st-3rd Class Municipality Category at Brgy. Tungkong Mangga, Lungsod ng San Jose Del Monte sa pangunguna ni Punong Barangay Alexander Medina bilang Top Performer sa ilalim ng Component City Category. Pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando at DILG Regional Director Anthony Nuyda ang pag-abot ng plaka, at ng insentibong nagkakahalaga ng Php 50,000.

 

Ngayong araw ay isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong "Construction of NIA Road” sa Brgy. Tabang, Plaridel. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na may kabuuang halaga na Php. 1,800,000.00 milyong piso.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video