
Guiguinto, Bulacan | Sa masugid na pagtalima sa mandatong panatilihin ang kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan sa lalawigan, pormal na nagtipon ang mga kasapi ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan—Technical Working Group ng Bulacan Provincial Peace and Order Council (PPOC) simula ika-4 hanggang ika-5 ng Marso, 2025, upang balangkasin ang POPS Plan 2026-2028.
Kabilang sa mga nakibahagi sa aktibidad ay mula sa mga tanggapan ng Gobernador, BENRO, PDRRMO, PPDO, PSWDO, at PBO. Kasama rin ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang PNP, BJMP, PDEA, BFP, AFP at DILG Bulacan.
Ang pagbabalangkas ng POPS Plan ay isinasagawa upang malaman ang mga programa at aktibidad na kailangang isagawa ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Peace and Order Council sa pagtataguyod ng kapaypaan, kaligtasan at seguridad ng mamamayan.