TSLogo

 

 

facebook page

 

Dedikasyon at Pagmamahal sa Serbisyong Publiko, Sumalamin sa Ikalawang DILG Konek

Pebrero 25, 2025 | Malugod na tinanggap ng Bayan ng Marilao ang mga kawani ng DILG Bulacan para sa Ikalawang DILG Konek: Ang Panlalawigang Pagpupulong, sa Liwasang Pangkalikasan, Marilao, Bulacan.

Naging tema ng nasabing pagpupulong ang pagpresenta at pagtalakay ng mga updates ukol sa implementasyon ng mga programa, proyekto at aktibidad (PPAs) ng Kagawaran sa malikhang paraan na sumasalamin sa ideya ng pag-ibig. Binigyan diin din ang mga pagtatasang gagawin sa mga susunod na buwan.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni PD Fabia ang mga kawani ng DILG Bulacan na pangalagaan ang sarili upang maihatid ang mahusay na serbisyong publiko.

Sinasalamin ng aktibidad na ito ang patuloy na hangarin ng DILG Bulacan sa pagpapamalas ng paglilingkod ng may puso bilang instrumento upang patuloy na maiangat at mapabuti ang kalagayan ng mga pamahalaang lokal sa Lalawigan.

 

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video