Nagsagawa ang Provincial Performance Assessment Team (PPAT) ng Lalawigan ng Bataan ng table assessment para sa 2024 Seal of Good Local Governance for Barangays ngayong araw, Agosto 28, 2024, sa The Bunker, Lungsod ng Balanga.
Pinangunahan ni DILG Provincial Director Belina T. Herman, CESO V, ang assessment team, kasama ang mga kinatawan mula sa Provincial Planning and Development Office, Liga ng Barangay Provincial Chapter at Panlalawigang Pederasyon ng Sanggunian Kabataan.
Sinuri ang mga barangay batay sa tatlong Core Governance Areas: Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, at Safety Peace and Order; at tatlong Essential Governance Areas: Social Protection and Sensitivity, Business Friendliness and Competitiveness, at Environmental Management.
Ang SGLGB ay isang progresibong programa ng DILG na naglalayong kilalanin at bigyan ng parangal ang mga barangay na may natatanging pagganap sa iba't ibang larangan ng pamamahala.