Noong ika-19 ng Agosto 2024, matagumpay na naisagawa sa The Bunker ang 3rd Quarter 2024 Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), and Provincial Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na pagpupulong na pinangunahan ni Gobernador Joet Garcia III.
Dumalo sa nasabing pagpupulong sina Vice Governor Cris Garcia, BM Romano Del Rosario, LMP President Antonio Raymundo, Jr., PD Belina Herman, CESO V at ang mga pinuno at kinatawan ng iba't ibang ahensya sa lalawigan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Garcia, masusing sinuri ang mga proyektong ipinatutupad ngayong ikatlong quarter sa lalawigan, kabilang ang mga hakbang para labanan ang ilegal na droga, sugal, pangingisda, at pagtotroso, pati na rin ang mga aksyong isinagawa upang tugunan ang mga pinsalang idinulot ng Bagyong Carina.
Isa sa mga pangunahing usapin ay ang oil spill na nakaapekto sa mga baybaying-dagat ng lalawigan, kabilang ang kasalukuyang kalagayan ng mga barkong MTKR Terranova, MTKR Jason Bradley, at MV Mirola 1, maging ang kahalagahan ng koordinasyon ng mga ahensya upang matugunan ang suliraning ito. Tinalakay rin ang kahalagahan ng resolusyon para sa agarang pag-endorso ng Metro Bataan Development Authority (MBDA) bill bilang bahagi ng pagsisikap na mapabuti ang koordinasyon at pamamahala sa mga nasabing aspeto.
Patuloy ang paninindigan ng Bataan na isulong ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan, kasabay ng pangangalaga sa kalikasan ang karagatan at kaligtasan ng bawat mamamayan. Sama-sama at nagkakaisa para sa isang mas maunlad at ligtas na Bataan.
#ProactiveBataan #1Bataan